The Prayer of Jabez for Teens


Teenager pa tayo noon nung binigay mo sa'kin 'to. Babad na babad lagi sa mahahabang usapan, lunod sa pagkakaintindihan at pagkakaiba natin ng pananaw patungkol sa isa't isa. Hindi alintana ang oras, gaya ngayon, na mag-aalas dos na ng madaling araw, nagtitipa parin sa selpon.

Ngayon, twenty three na ko, pero ngayon ko lang ito binuksan at binasa.


I'm sorry if this is the very first time that I have laid my eyes and got my hands in the pages of this book. I'm sorry it took me years to have the courage to open and devote myself into it. 

Ang daya mo, kilalang kilala mo talaga ko. 
Alam na alam mo kung kailan kita kailangan. 
Alam mo, na kailangang kailangan ko ito ngayon.
Alam mong higit sa lahat, ito ang kailangan ko. 
Alam mong Siya ang kailangan ko.
And you know that I have been away from God for a long time - reaching Him through prayers.


Madaya, as an iyakin, eh 'di umiyak na naman ako.

Madaya, dahil nakita ko na naman ang mga mumunting notes mong dito ko pala sa librong to inipit, na palagian kang nagbibigay sa tuwing magkikita tayo noon. 
Kahit gaano pa ka-random;
Mapa linya man yan galing sa librong nabasa mo na kinuwento mo na sa'kin ang buong plot kahit ma-spoil pa ko, 
sinulat mong maikling tula, 
mga parapo, 
calligraphy, 
o kahit anu pang maliliit na letrang kakasya sa kapiranggot na papel,
pagkatapos ay nakangiting iaabot sa akin.


Madaya, as an iyakin, eh 'di umiyak na naman ako. 

Haha. Bwisit ka. 

Salamat sa paalala!
Salamat, dahil niligtas mo na naman ako!
Laham kita, lagi't lagi, Kots.

I miss you.

p.s. eh 'di sorry na agad dahil pinost ko pa 'to e sa bakit ba, blog ko naman 'to. HAHAHA. pasensiya na hindi kita naipagmalaki sa mundo noong kaya mo pang mabasa ito. sorry, as a duwag and pa-low key na ferson ih. Lol excuses na naman hehe.

Mga Komento

Kilalang Mga Post