Sa saya't paglaya pa rin, 2026

    Habang iniisip ko ang mga salitang ilalagay ko para rito, naubusan ako agad. Hindi dahil wala akong nagawa sa taong ito na walang bigat sa akin, pero dahil sa mga nangyaring naranasan ko nang higit pa sa aking inaasahan at pinanalangin.

     Ibang iba ang taong ito. Hindi ako naligo sa alat o mababad man sa init ng mga tanong ng pagdududa. Mas gumapang ang maliliit na salitang pampatibay-loob. Bagay na ilang taon ko ring tinrabaho at inugali. 

    Dati pa man, palaging laman ng mga pangungusap ko ang 'maging masaya't malaya'. Sobrang personal nito para sa'kin. Malalim. May susun-suson na mga dahilan at aspeto; sa espirituwal na estado, mental, emosyonal kong gawi...abot nito ang kalaliman ng aking isipan. Mga patong-patong na rason kung bakit kada taon, ito ang palagi kong hiling at panalangin. Ngayong taon, laking pasasalamat ko sa Diyos dahil namutawi sa aking labi ang kasiyahan. Gayundin ang maramdamang buo ang kalayaang mas angkinin ang katotohanan ko, kalayaang maging ako sa mga taong mahalaga at malapit sa akin.

     Yakap tayong muli, 2026.

     Sa saya't paglaya pa rin.


Mga Komento

Kilalang Mga Post