Kumot at Unan
Siguro nga'y babang nakababa kung kumaway,
Dikit-paang tuwid nakapako't matamlay.
Mistulang posteng nakababad sa araw,
Paso't kulay-pupas sa lapitang tanaw.
Siguro nga'y dala ng kausyosohan,
Dambana ng laman ay tinubuan;
Ng tapang, pwersa, at paghimok,
Diretso suong sa apoy ng pagsubok.
Siguro nga'y pagtapos doon tumalima,
Sa pagkumpas ng isip na minsang nabahala.
Tapos na nga't kailanma'y hindi maibabalik,
Batid kong iiwanan na ang mga walang lamang halik.
~



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento