Dati...


Dati, bigat na bigat akong naglalakad sa pasilyo. Bawat bakas ay bumabaon at palaging nahihirapan akong iangat ang dalawang bakal dahil sa ingay na nagagawa nitong tunog...

Sa atraksyon.
Sa simpatiya. 
Sa bulungan. 
Sa mga tanong.

Hindi ako naging sigurado sa nararamdaman sa tuwing may mga leeg na nababali at umaawang na mga labi. Hindi ako naging sanay. Nahirapan akong angkinin ang liwanag. Masyadong matingkad. Ayaw ko. Hindi ko gusto. Hindi ko gustong mapuna. 

Kaya, 
dati, bigat na bigat akong naglalakad sa pasilyo.

Nakatungo at dahan dahan para 'di mapansin. Pero, wala e, ganoon parin. Hindi sila nawawala. 

Kaya siguro nasanay na lang ako. 

Sa tagal ng panahon, nakabuo ako ng kumpiyansa kahit papaano.

Nandito na tayo,
ganoon talaga e.
Yakapin mo lang Serrando.

Mga Komento

Kilalang Mga Post