HBD


Pabalik-balik kong tinitingnan kung mayroong pangalang lilitaw, pero wala ni isa, sa kanila. 
Siguro, nagkulang ako sa paalala.
Siguro, hindi nila ako naramdaman, bilang kaibigan. 
Pero siguro rin, may mga bagay lang na ginagawa sila ngayon at mas binibigyan ng pansin. 

Baliw, hindi naman doon nasusukat ang pagkakaibigan. 
Mananatili parin silang mahalaga - kagaya nang sinulat mong tula para sa kanila -
At palagi ka namang kasama sa mga pangarap nila. 
Sapat na sigurong ikaw na lang muna ngayon, mag-isa, ang umihip sa kandila.

Kasama iyon.
Minsan talaga naiiwan ka.
Ayaw ko sanang magtampo,
Pero wala na ngang handang pagsasaluhan sana natin, pinutok niyo pa ang nag-iisang lobo.

Iyong pag-asang makakatanggap ako ng mensahe.
Maiiyak, matutuwa, dahil sa pambihirang atake,
Ng mga salitang lumalagos sa isip,
Makakasama ko hanggang sa aking panaginip.

Iyon lang sana.
Dahil gusto kong makabasa ng kwento.
Dahil gusto kong malaman kung naniniwala ka parin sa kakayahan ko.
Dahil ako iyong tipo ng tao na ginugustong mapansin ang damdamin.

Alam mo na naman na siguro iyon.
Bilang na bilang natin ang mga taon.
Pasensiya na, mahal lang kita.
Kaya ako nasasaktan tuwing 'di mo ako makita.

Mga Komento

Kilalang Mga Post