Butil ng luha


Paulit-ulit kong pinapaikot ang kutsarita,
Sa malamig na kapeng kunot noong pinagmamasdan.
Kakaibang pakiramdam ito.
Parang ang araw ay naging buwan,
At ang buwan ay naging araw.
Baliktad na pagtakbo;
Ng oras, minuto at segundo.

Iniangat ang tasa,
Muling susubukang lunukin ang isang lagok ng kapalaran.
Tumikhim,
Hindi ko inaasahan na ganito ang lasa.
Mapait.
Mapait na pagkatalo ang natamo ko.

Hindi ako nanalo,
Sa palawakan ng pag-iisip.
Kung ang sagot ba ay tama o mali.
Mali ba ang iwan kang walang alam?
O tamang sabihin ko sa’yo at ang sunod na mangyari’y,
Ikaw ang unang magpaalam.
Ngayon kaharap ko’y isang malamig na kapeng pinaglipasan ng panahon.
Gaya ng maling pagpili ko.

Tanaw kita mula rito sa kinauupuan ko.
Kasabay ng tunog ng kusaritang tumtama sa tasa,
Ang tunog ng pusong naghaharumentado.
Tatayo na sana ako para lumapit, kausapin ka.
Pero may kasama ka’t ngiti mo ay kakaiba.
Hindi kagaya ng kapeng na sa harapan ko,
Mainit at nakakapaso ang mga butil ng luhang nilaan ng puso ko para sa’yo.


Mga Komento

Kilalang Mga Post