imy, ma.
Isa ito sa mga gabing mas doble ang bigat ng likod ko sa kama.
Mas ramdam yung lamig sa kalamnan.
Mas makirot.
Mas doble ang init ng katawan.
Hindi sapat ang kumot.
Hindi sapat ang lambot ng unan.
Hindi sapat ang gamot.
Hindi sapat ang katahimikan.
Isa ito sa unang gabing may sakit akong wala ka.
Mas ramdam.
Mas may idadamdam.
Mas may ilalamlam.
Iba pa rin nung nandito ka.
Malaya akong mas maging bata't magpa-aruga.
Isa ito sa mga gabing pikit-mata kong hihilingin,
Kitain mo sana akong muli sa panaginip.



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento