Tsokolate
Minsa'y tama lang ang lapad, sakop sa kamay.
Mayroon pa ngang maliliit,
gayunding nasa lata.
Sa mga paulit-ulit na bagay,
madali akong maumay.
Sa paiba-ibang tamis,
doon ako napangingiti.
Ayos lang kung kinabukasa'y magising,
sa sakit ng ngipin.
Ayos lang din,
kung lalamunan ay kumulimlim.
Minsan lang naman makatanggap ng tamis.
Siguro'y magindapat lang na sumaya.
Ilang taon din akong nangolekta,
Ng asin, toyo, at paminta.
Sa iisang tindahan nanggaling.
Sa iisang pahinga.
Sa nag-iisang may lakas ng loob,
Na bayaran ang tsokolate sa kahera.



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento