New Year, 2021
At kapag napuno ka parin ng pagdududa matapos mong ibigay ang lahat,
Muli mo lang balikan ang mga pagkakataong humulma sa kung sino ka ngayon...
Sa mga imposibleng naging posible,
Sa mga luhang dulot ng saya't kasakitan,
Sa nag-aalab na pusong walang ibang nais kundi ang maging masaya't malaya,
Sa mga natuyong pawis dahil sa pagod at puyat,
mga basang unan,
mga panalanging palagiang ibinubulong,
Sa pakikipagbuno mo sa iyong sarili makilala lamang ang buo at mas pinabuting bagong ikaw...
Hindi siguro sasapat sa isang buong papel ang mga salitang naglalarawan sa iyong paglago.
Maniwala ka, malayo-layo na rin ang iyong narating.
Siguro'y sapat nang bitawan ang pagdududa,
At bigyan ng espasyo diyan sa puso mo ang mga karanasang nagpapatibay ng 'yong loob.
Marami ang naniniwala sa iyo.
Mas maniwala ka sa iyong sarili.
Yakap tayo, 2022.



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento