Random


Kay sarap malunod muli sa mundong kailanman ay hindi mo mapupuntahan.
Ihele ng mga pantasyang doon mo lang mararanasan.

Nakakatulirong salubungin ang mga emosyong
hindi naman talaga para sa'yo,
Pero palaging nag-iiwan ng marka't bumabaon.

Nakakatuyo't nakakauhaw,
gayundin nama'y,
nakakapuno't nag-uumapaw 
sa saya...

Sana, palaging ganito.

Malaya't magaan lang.

Payapang naglalakbay ang isip,
Ramdam ang puso.

Mga Komento

Kilalang Mga Post