Happy Memory, K.


Salamat sa mga liham,
sa mga tula,
larawan ng mga pusa,
maliliit na mensaheng nagpapaalala na kumain,
manalangin,
mga mumunting hinaing sa mundo na lumalago at lumalaki sa tuwing lagpas na ang kamay ng orasan sa alas dose,
nagpapaalala,
nanggigising,
ng mga emosyong kabisadong kabisado nating dalawa.

Isang taon na, K.

Ito pala 'yong kanta na gustong gusto mong marinig nang sabihin kong ginawan kita.

Pasensiya na, hindi nangyare.
'gang sa muli nating pagkikita,
laham kita. 

Mga Komento

Kilalang Mga Post