Vice versa
at ang mga labi ang dahilan,
ng paglayo at paglapit,
ay patuloy akong magtatago,
ng maliit na parte ng aking puso.
Magtatabi ng espasyo,
upang maiwasan ang maiwan at matangay sa agos ng walang hanggang pagkamangha,
paghanga,
pagkamuhi't dikta,
ng lipunang sagana sa asim at alat.
Sa pabago-bagong timpla ng tamis,
at kumpulan ng mga langgam sa hindi napapanis na kendi,
ay lalayo ako,
at maghahanap ng tubig sa gripo.
Isasaalang-alang ang kalidad ng pagmamahal,
bago ang kasiyahang dala nito.
Magbibigay sa taong nararapat makatanggap,
dahil mahirap bawiin ang titulo.
Marami nang nagmahal na iniwan ang pangarap.
Marami ring pangarap ang kanilang nahanap.
Darating ang panahon na ang paglayo ay senyales ng paglapit,
At ang paglapit ang maglalayo sa'yo sa sakit.



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento