Seasonal Blues
at ang mga bagay sa palagid ay nananatiling kulay pula.
Ikaw na nahihirapang makihalo,
ay padausdos na nawawalan ng gana.
Pahapyaw mang salungatin ang agos,
madadala't madadala.
Bumabalik na nga ba sa pagkamuhi...
Sa sariling estado't pagdurusa.
Marahil nagulat ka lang ulit.
Nanibago't kinulang sa kumpiyansa.
Isang taon mo mang inihiwalay ang sarili sa mundo,
babalik at babalik parin sa mga tao.
Tangan ang nalukot na saysay sa kamay,
Muling bubuklatin at babasahin.
Ikaw ay mahalaga at natatangi,
Patuloy mong yakapin ang iyong sarili.



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento