One with Nature


Kapag nasinghot mo ang usok sa daan, huwag mong sasabihing malaya ka na. Dahil kasabay ng pagsinghot mo ay ang pagngangalit ng milyong taong kinuhaan ng hinaharap. Hindi sila hinulaan o pinagpalit sa nakaraan. Sadyang hindi lang nila nakilala ng lubusan ang bawat piraso ng dahon sa daan. 

Kaya kapag nasinghot mo ang usok na naglipana sa daan, huwag mong sasabihing malaya ka. 

Dahil mismong ikaw ay nakakulong sa maling konsepto ng tao.

Sabihin mong malaya ka na sa tuwing pakakainin ka ng iyong mga mata ng tanawing berde.
O sa tuwing maamoy mo ang masiglang halimuyak ng tubig ulan.
Sabihin mong hindi ka malaya kung hindi mo pa nasasaksihan ang hilagang mga ilaw.
Sabihin mong hindi ka malaya kung hindi ka, kailanman, napagbigyang makapagtampisaw sa mga damong kumikinang kapag nasinagan ng araw...

Tsaka mo na isipin ang lahat. 

Makipag-isa ka sa kalikasan.

Mga Komento

Kilalang Mga Post