Kaibigan
Ilan kaya ang handang patungan ang pangalan mo sa panahong inuusig ka?
Ilan sa kanila ang mananatili sa tabi mo?
Ilan, sa kanila, ang magmamahal ng malaya?
Kailangan pa ba ng sariling depinisyon nito?
Hindi naman siguro masama kung tatanggalin mo ang paglilimita sa lahat.
Maniwala kang dumadaloy ang ilog hindi dahil sa gusto niya ito,
Patuloy siyang umaagos dahil iyon ang kaniyang pagkatao.
Doon siya ginawa.
Iyon ang katotohanan.
Mananatili siyang naglalayag,
Mananatili siya sa pagpayag.
Na ang lahat ay may dahilan.
Huwag mo na kasing talikuran.
Kung ano man ang nakikita mo ngayon,
Ipagpasalamat mong nagkaroon ka ng baon.
Dala mo sa kung saan.
Bitbit mo siya bilang karamay.
Handa ka niyang bigyan ng kalinga,
Sa panahong hindi mo rin inakala.
Siguro, hindi na rin mahalaga kung gaano karami.
Basta't maranasan mong maingatan.
Siguro, hindi naman talaga lahat nagtatapos sa ngiti,
Tanggapin mo na lamang na mayroong taong tuyo ang labi.
Masakit kaya kung magkaganoon!
Marahil mag-iiwan pa ng dugo kung magkataon.
Ilan kaya sa kanila ang mananatiling masaya sa tabi mo?
Hindi, masaya na naman na ako.



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento