Lunod
At kasalukuyang nginunguya.
Nakalutang sa gitna ng kawalan,
Pikit matang nakatingin sa araw.
Patuloy kong sinasangga ang bawat pagkapit,
Ang pagdikit...
Ng mga matutulis na kulay puti,
Kumikinang kasabay ng talamsik ng tubig.
Doon mo makikita ang panaghoy na kulay pula.
Kumukulay sa bawat pagsabit,
Pagkabig ng bibig,
Ng dambuhalang nilalang na akala mo'y kailanman ay hindi nakatikim ng pagkain.
Batid kong unti-unti ng nauubos ang aking hininga.
Ang mga baga ko ay tuluyan ng pinasok ng mga luha.
Paano ako lalaban kung ako'y may mga paa?
Palibhasa, nakipagkasundo kay tadhana.
Ang mga baga ko ay tuluyan ng pinasok ng mga luha.
Paano ako lalaban kung ako'y may mga paa?
Palibhasa, nakipagkasundo kay tadhana.



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento