Reverse Poetry


Ipipikit ko na ang mga mata ko.
Hindi totoong,
Sumasaya ako dahil sa mga biro mo.
Itatak mo sa iyong isipan na,
Mahirap ang maging masaya.
Huwag kang maniwalang,
Totoo ang iyong nakikita.
Ang pagngiti, mga halakhak, at ang pagtawa?
Ang lahat ng ito ay bunga ng sadyang gawa...
kasinungalingan kung,
Ang buhay ay mahalaga.
Masasabi kong,
Sa bawat pagsulyap ng mga taong nakangiti,
Lahat ay dahil sa simpatiya.

(basahin ng pabaliktad...mula sa baba pataas)
Reverse Poetry ni Serrando Roman Jr.

Mga Komento

Kilalang Mga Post