Puto
Kinain ko ang mga salitang dapat ay sa'yo.
Kinain ko ang panis na puto.
Itinuloy ko ang paglunok nito,
Hindi na baleng masira ako.
Dahil sira na.
Dahil nilunok ko na.
Ang mga salitang dapat sana'y walang palya,
Dahil totoo, kinabisado ko ang bawat linya;
Nito.
Kinabisado ko,
Ito.
Ang mga panaghoy sa ibabaw ng dila,
Mga salitang hindi ko na mailuwa.
Dahil nga kinain ko,
Ang sirang puto.
Dahil nga nilunok ko ng walang pag-aalinlangan, at kahit pa ikamatay ko!
Nilunok ko.
Nilunok ko ang puto.
Nilunok ko ang puso...
Nilunok ko ang puso ko.
(ginawa para bigkasin)
Kinain ko ang panis na puto.
Itinuloy ko ang paglunok nito,
Hindi na baleng masira ako.
Dahil sira na.
Dahil nilunok ko na.
Ang mga salitang dapat sana'y walang palya,
Dahil totoo, kinabisado ko ang bawat linya;
Nito.
Kinabisado ko,
Ito.
Ang mga panaghoy sa ibabaw ng dila,
Mga salitang hindi ko na mailuwa.
Dahil nga kinain ko,
Ang sirang puto.
Dahil nga nilunok ko ng walang pag-aalinlangan, at kahit pa ikamatay ko!
Nilunok ko.
Nilunok ko ang puto.
Nilunok ko ang puso...
Nilunok ko ang puso ko.
(ginawa para bigkasin)


Mga Komento
Mag-post ng isang Komento