Pagpapatuloy ng Modernong Makata


Sa pagdaan ng barko ng pagkilala,
Kakaunti na lamang ang naitira.
Ng mga sadistang nagbungkal ng lupa,
Lamang yaman ng bayan ko at kultura.

Gunita ko'y kanin ng teknolohiya,
Ang ating lumang baybay at alpabeto.
Purong gintong pinagmulan ng pag-asa,
Tila tayutay sa ilalim ng bato.

O' ang bayan kong mahigpit na naipit,
Sa pagitan ng moderno't pagkainggit.
Banyagang binalot sa mabangong samyo;
Bulaklak sa lupa ng mga indiyo.

Tayo nga'y marapat na magpasalamat.
Muling alalahanin ang matatapat.
Tinaguriang bayani ng silangan,
Ang perlas na kayumanggi ang nakamtan.

Sa pagdaan ng barko ng pagbabago,
Gayunpaman, ang bayan ko ay natuto.
Kay Manuel na ama ng pambansang wika;
Filipino, ang iniwan n'yang salita.

~

Unang gantimpala sa Paglikha ng Tula.
Baitang 12
Tema: Filipino, Wikang Mapagbago
Sukat: Limang saknong, apat na taludtod, may labindalawang pantig at may tugmaan.

#BuwanNgWikangPambansa2017
#FilipinoWikangMapagbago
#GoStem

Mga Komento

Kilalang Mga Post