Panaghoy
Na sa kalagitnaan ako ng mga naglalakihang alon ng mga tanong.
Panaghoy,
Na kung paano ko ba maiiwasan ang bawat marahas na hampas,
Bawat pagtulak at kabig,
Ng panahon.
Ang pagpapahirap sa maliliit na pawikan na magpatuloy.
At makalayo sa hampasang-alon.
Sa baybayin na kanilamg pinagmulan;
Sinilangan.



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento